-- Advertisements --
Itinuturing ng British singer na si Elton John na huling pagtatanghal na niya sa United Kingdom ang Glastonbury Festival.
Siya kasi ang huling singer na magtatanghal sa nasabing limang-araw na festivities.
Magugunitang sinimulan ng 76-anyos na pop superstar ang kaniyang farewell tours noong Mayo sa US at gaganapin naman sa Hulyo 8 ang kaniyang final gig sa Stockholm.
Dagdag pa nito na labis pa rin itong nasasabik sa pagsali sa Glastonbury Festibal na tumatakbo ng limang dekada na sa southwest England.