-- Advertisements --

Hindi na itinanggi pa ni Ellen Adarna ang pagtambay muli sa bahay ng kapwa artistang si Derek Ramsay.

Ayon sa 32-year-old sexy actress, mag-kapitbahay kasi sila ng 44-year-old actor kaya madali lamang itong nakakabisita.

Ruffa Derek Ellen

January 11 nang unang beses naging laman ng balita ang mga larawan nina Ellen at Derek na kuha sa isang dinner party kasama si Ruffa Gutierrez.

Kasunod nito ang pagiging agaw-pansin ng ilang posts ng beauty queen turned actress partikular ang video ng dalawa na bakas ang pagkakamabutihan habang nagkikuwentuhan.

Kagabi naman, January 18, ang pangalawang pagkakataon kung saan bisita muli si Adarna sa bahay ni Derek ngunit giit na marami pa silang kasama.

“Ellen and Derek, they’re not stepping on anybody’s toes so I don’t see any problem there. They’re both single and they deserve to be happy,” saad naman ng katambal ni Adarna na si John Estrada sa panayam ng TV5.

Kamakailan lang nang maging kontrobersyal si Ramsay matapos ang paghihiwalay nila ng aktres na si Andrea Torres at na-link sa singer na si Pops Fernandez na mas matanda sa kanya.

Sa panig naman ni Adarna, kabilang sa kanyang mga nakarelasyon ay ang presidential son na si Baste Duterte at aktor na si John Lloyd Cruz kung saan siya mayroong anak.

Sa ngayon daw ay nasa pangangalaga ni Lloydie ang kanilang two year old son kaya focus muna sa kanyang katatampukang sitcom.