-- Advertisements --

Umakyat na sa mahigit 9,000 na election related complaints ang natanggap ng elections watchdog na Kontra Daya.

Ayon kay Prof. Danilo Arao, convenor ng grupo, pinakamarami sa mga sumbong ay ukol sa machine errors at SD cards na umabot sa 1,371.

Mayroon ding 137 na verified vote buying incidents; 387 illegal campaigning; 94 red-tagging habang ang natitira ay mga insidente ng disinformation, harassment, intimidation, coercion at iba pang porma ng pandaraya.

Kinontra rin ni Arao ang pahayag ng Comelec na “generally peaceful” ang pagdaraos ng eleksyon.

Umaasa naman si Arao na iimbestigahan ng comelec ang mga sumbong na pandaraya nitong halalan.

Ipinanawagan din niya na palayasin na ang smartmatic dahil na rin sa danyos sa integridad ng eleksyon na idinulot ng mga aberya sa makina.

Sa panig naman ng Comelec, sinabi ni Comm. George Garcia na inaaksyunan nila ang mga sumbong, basta may angkop na ebidensya at mas makakatulong kung handa ang nagrereklamo na humarap para panindigan ang complaint.