Kasabay ng inaasahang lalo pang pagbigat ng epekto ng El Nino sa Pilipinas, posibleng maranasan ang mababang volume ng tubig ulan sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Ito ay batay sa pagtaya ng Department of Science and Technology.
Ayon kay Climate Monitoring and Predictions Section chief Analisa Solis, maaaring maranasan sa bahagi ng Mindanao ang pinakamabigat na epekto.
Batay sa kasi sa kasalukuyang datus, maaari umanong bababa ng 35% ang volume ng mga ulan sa naturang rehiyon.
Sa Visayas, maaari umanong aabot sa 21% ang pagbaba ng tubig ulan, habang 12% naman sa bahagi ng Luzon.
Sa kasalukuyan, nararanasan na umano ang epekto ng El Nino sa sa Visayas at Mindanao, habang sa Luzon ay nananatiling mataas pa rin ang tyansa ng mga pag-ulan.
Kasabay nito, nagbabala rin si Solis na tiyak na tataas ang temperatura sa buong bansa sa kasagsagan ng tag-tuyot.