-- Advertisements --
Dr. Rontgene Solante

Nagbabala ngayon ang isang infectious disease expert sa mga magulang at mga bata kasabay na rin ng paglobo ng kaso ng hand, foot and mouth disease (HFMD).

Kabilang na sa ngayon ang tumataas ang kaso ng naturang sakit sa Metro Manila.

Sinabi ni infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante, kailangan daw ng mga magulang na siguruhin na regular na naghuhugas ng kamay ang kanilang mga anak bilang preventive measure dahil wala raw medical treatment o bakuna sa hand, foot and mouth disease.

Sinabi ni Solante na ang pinakamalagang gawin para maiwasan daw ang naturang sakit ay ang paghuhuhagas ng kamay.

At dahil isa itong viral infection ay wala raw talagang gamot para rito.

Kabilang naman sa mga sintomas ng hand, foot and mouth disease ay ang fever, painful sores sa bibig at ang rash na mayroong blisters sa kamay, paa at sa buttocks.

Pero ayon sa World Health Organization, ang mas severe symptoms naman ay kinabibilangan ng meningitis, encephalitis at polio-like paralysis.

Sakali namang makaranas na ang isang bata ng pagsusuka ay dapat na umanong dalhin agad ito sa ospital para sa monitoring.

Una rito, sinabi ng Department of Health (DoH) na sa kabila ng naitalang 155 na kaso ng hand, foot and mouth disease cases sa Metro Manila noong buwan ng Oktubre ay wala pa raw basehan para magdeklara ng outbreak.

Puwede raw magdeklara ng outbreak kung ang naturang disease ay kumalat na rin sa iba pang rehiyon o mga kalapit na lugar at nadoble na ang kaso kumpara sa parehong period noong nakaraang taon.

Maliban dito, puwede rin umanong magdeklara ng outbreak kapag punuan na ang mga ospital ng hand, foot and mouth disease cases.