-- Advertisements --

Nakakuha ng bronze medal si Filipino Olympian at pole vaulter EJ Obiena sa 2023 Ostrava Golden Spike sa Czech Republic.

Nanguna sa nasabing torneo si Olympic gold medalist Armand Duplantis na nagtala ng 6.12 meters at pumangalawa si Kurtis Marschal ng Autralia.

Sa kaniyang social media sinabi ni Obiena na mas lalong pag-iigihan niya ang mga susunod na torneo nito.

Target nitong makapasok sa 2024 Paris Olympics na ang qualifications ay magsisimula sa Hulyo 1.

Kailangan lamang nitong magkaroon ng clearance ng 5.82 meters para tuluyang maka-qualify sa Paris Games.