-- Advertisements --
Tiwala ang kampo ng actor na si Edu Manzano na nananatili pa rin itong lehitimong kandidato.
Kasunod ito ng pag-disqualify ng Commission on Election (COMELEC) second division sa pagtakbo bilang congressman ng San Juan.
Ayon sa abogado ng actor na si Atty. Sixto Brillantes, na binigyan sila ng limang araw para maghain ng motion for reconsideration na nangangahulugan na ang desisyon para idis-qualify ang actor ay hindi matatapos pagdating ng May 13 election.
Ang nasabing hatol ay inilabas ni Comelec second division chair Luie Guia na sinuportahan naman nina Commissioner Socorro Inting at Antonio Kho.