-- Advertisements --

Pinapayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na sa mga alternatibong ruta dumaan pansamantala dahil ilang bahagi ng EDSA ang isasailalim sa road reblocking at repairs simula Nobyembre 5 hanggang sa Nobyembre 8.

Sa isang advisory, sinabi ng MMDA na ang mga apektadong road sections ay ang bahagi ng EDSA bago mag-Annapolis hanggang Boni Serrano flyover, northbound second lane mula sa center island sa Quezon City; pati rin ang EDSA-Tramo flyover sa Pasay City.

Nakatakdang magsimula ang road reblocking at repairs mamayang alas-11:00 ng gabi hanggang sa alas-5:00 ng umaga ng Nobyembre 8.