-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang Eastern Japan.

Ayon sa Japan Meteorological Agency naitala nila ang epicenter ng lindol sa karagatan ng Fukushima prefecture.

Hindi naman sila naglabas ng anumang tsunami warning.

Wala namang naitalang anumang pinsala sa nasabing pagyanig.