-- Advertisements --
Abanse na sa quarterfinal stage si Pinay tennis player Alex Eala sa nagpapatuloy na Asian Games sa Hangzhou, China.
Tinalo kasi nito si Rutuja Sampatrao ng India sa score na 7-6(5), 6-2 sa women’s single round of 16.
Makakaharap nito sa susunod na round si Kyoka Okamura ng Japan.
Kasabay din nito ay pasok na rin sa susunod na round si Eala sa mixed doubles kasama ang partner na si Francis Alcantara.
Tinalo ng dalawa 6-0, 6-0 sina Sunira Thapa at Pranav Khanal ng Nepal sa second round.