-- Advertisements --

Sasabak sa panibagong pagsubok ngayon si Pinay Tennis star Alex Eala.

Ito ay dahil sa makakaharap niya si Czech player Tereza Valentova sa unang round ng Japan Women’s Open.

Gaganapin ang paghaharap ng dalawa ngayon Oktubre 14 ng hapon.

Ang nasabing torneo ay siyang pagbabalik ni Eala sa laro matapos ang bahagyang pamamahinga mula sa WuhanOpen.

Ang 18-anyos na Czech player ay mayroong Women’s Tennis Association (WTA) ranking na 78.

Gaya rin ni Eala ay nakaabot ito ng second round ng US Open pero nabigo siya kay Elena Rybakina.