-- Advertisements --
Natapos na ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa 2025 Lexus Birmingham Open.
Ito ay matapos na talunin siya ni Linda Fruhvirtova ng Czech Republic sa score na 5-7, 7(7)-6(5), 1-6,
Ito rin ang unang grass-court game ni Eala ngayong taon kung saan tumagal ang laban sa halos na tatlong oras.
Ang World number 152 player ay bahagyang nahirapansa ranked 73 na si Eala subalit pagpasok ng ikalawa at ikatlong set ay doon nito nadomina ang laro.
Magugunitang nabigo na rin si Eala at partner nito na si Rebeka Masarova sa womens’ doubles sa nasabing torneo noong nakaraang araw.