Tiniyak ng Malacañang na walang iniindang sakit si Pangulong Rodrigo Duterte.
Magugunitang marami ang napakapansing matamlay si Pangulong Duterte sa kanyang talumpati noong bumisita sa Zamboanga City nitong Byernes para kausapin ang mga commanders ng AFP at PNP sa Western Mindanao Command kaugnay sa shooting incident sa Jolo, Sulu kung saan napatay ng siyam na pulis ang apat na sundalo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, sadyang nalulungkot si Pangulong Duterte sa nangyaring insidente.
Ayon kay Sec. Roque, mistulang ama si Pangulong Duterte na namatayan ng anak dahil ang mga ito ay nag away-away.
Ipinaliwanag ni Sec. Roque na maliban sa mga naulilang pamilya, si Pangulong Duterte ang numero unong apektado sa pagkamatay ng apat na sundalo.