-- Advertisements --

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na bumiyahe pauwi ng Davao City kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Sec. Roque, ang susunod na public address ni Pangulong Duterte ay magaganap sa Davao City.

Pero sinabi ni Presidential Security Group commander Jesus Durante III na babalik bukas ng Metro Manila si Pangulong Duterte.

Unang umuwi sa Davao City si Pangulong Duterte simula noong ideklara ang enhanced community quarantine sa buong bansa noong Marso nang ilagay sa general community quarantine ang lungsod dalawang linggo na ang nakakaraan.