Kinumpirma ng Malacañang na personal na magtutungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa sa Lunes, July 27 para sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA).
Sinabi ni nPresidential Spokespman Harry Roque, ito ang napiling pamamaraan ni Pangulong Duterte kung paano niya ilalahad ang kanyang ulat sa bayan.
Ayon kay Sec. Roque, nasa 50 mambabatas ang papayagang dumalo sa SONA pero hindi pa kasali sa bilang ang mga miyembro ng gabinete.
Magiging pangunahing tampok sa SONA ni Pangulong Duterte ang pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic at ilalatag din ng pangulo ang mga hakbang at plano sa pagbangon muli ng ekonomiya.
Sa ngayon, tuloy tuloy umano ang preparasyon sa nalalapit na SONA ni Pangulong Duterte.
Samantala, sa mga nagbabalak namang magsagawa ng demonstrasyon, hinihikayat ni Sec. Roque ang mga ito na magprotesta na lamang online dahil alinsunod sa guidelines sa ilalim ng general community quarantine (GCQ), hanggang 10 lamang ang pinapayagan sa mass gatherings.
















