-- Advertisements --

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag magalit sa mga Chinese kasunod ng pagkalat ng 2019 novel coronavirus outbreak.

Sinabi ng pangulo na hindi maganda ang nasabing kaugalian dahil marami ring mga Filipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa China.

Dagdag pa nito na naging mabait sa atin ang China at dapat ay magkaisa ang lahat para malabanan ang pagkalat ng nasabing virus.

Magugunitang aabot sa mahigit 300 katao na ang nasawi at mahigit 14,000 ang nadapuan ng virus na nagmula sa Wuhan, Hubei province sa China.