-- Advertisements --
Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na pulungin ang mga magsasaka dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng palay sa bansa.
Ayon sa Pangulo na gagawa ang gobyerno ng paraan para manumbalik ang sigla ng mga magsasaka.
Ipinapaayos na ng Pangulo ang araw kung kailan niya pupulungin ang mga magsasaka.
Magugunitang umaaray ang mga magsasaka mula ng ipatupad ang rice tariffication law dahil sa pagpayag sa pagpasok ng mga imported na bigas sa bansa.