Iginiit ni National Task Force against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon na may natanggap na impormasyon si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa mga partner-nations kaya kumpiyansa itong magkakaroon na na bakuna laban sa COVID-19 pagsapit ng Disyembre ngayong taon.
Sinabi ni Sec. Dizon, nasa limang pharmaceutical companies ang nasa listahan ni Pangulong Duterte kung saan tatlo sa China, isa sa Estados Unidos at isa naman sa United Kingdom.
Ayon kay Sec. Dizon, partikular na kinakausap ng gobyerno ang mga bansang nasa phase 3 na sa kanilang ginagawang clinical trials.
Inihayag ni Sec. Dizon na ang kanilang estratehiya ay paggamit ng diplomatic relations sa tatlong nabanggit na bansa para “on top of the list” nila ang Pilipinas sa oras na validated at available na ang bakuna sa katapusan ng taon.