-- Advertisements --
Magpapatawag na si Pangulong Rodrigo Duterte ng special session sa Kongreso para sa Bayanihan 2, bago ang kanyang inaasahang State of the Nation Address (SONA) ngayong buwan.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesmann Harry Roque kasunod ng inihayag sa kanya ni Finance Sec. Carlos Dominguez III na halos plantsado na ang Bayanihan 2.
Sinabi ni Sec. Roque, nagkasundo na ang Kongreso at economic managers sa P140 billion na stimulus package.
Magugunitang una na ring binigyang-diin ni Sec. Roque ang kahalagaan na ma-renew ang Bayanihan Act dahil sa maraming benepisyo ang nakapaloob dito gaya ng benepisyo para sa mga health workers na nahinto nang napaso ang unang Bayanihan Act.
















