Binalewala lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang balitang hawak ng China sa leeg ang Pilipinas pagdating sa supply ng koryente.
Kung maaalala, napabalitang kayang-kaya i-shutdown ng China ang power supply ng bansa sa isang pindot lang dahil 40% ng shares sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay pagmamay-ari ng mga Chinese businessmen habang ang natitirang 60 porsyento ay sa mga Filipino-Chinese.
Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi siya naniniwala dahil pinalutang lamang ito ni dating Senior Associate Justice Antonio Carpio na kilalang kritiko ng administrasyon.
Ayon kay Pangulong Duterte, si Carpio ay masyado ng nahuhumaling sa China kung saan ibinabandera nito na siya ay maka-Pilipino kahit mas mukha itong Chinese at halos kahawig na ni Mao Zedong.
Iginiit pa ni Pangulong Duterte na kung may mga security issues man dito ay kayang-kaya itong i-handle ng mga militar.