-- Advertisements --

Inihayag ng Malacañang na buo pa rin ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Health Sec. Francisco Duque III.

Sa kabila ito ng rekomendasyon ng Senado na sampahan ng kasong malversation of public funds si Sec. Duque dahil sa anomalya sa PhilHealth.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hinihintay pa ngayon ni Pangulong Duterte ang resulta ng imbestigasyon ng binuong task force ng Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Sec. Roque, sa Setyembre 14 inaasahang matatapos ang imbestigasyon ng task force.

“Si Presidente naman po ay nagtitiwala pa rin kay Secretary Duque pero antayin po natin ang rekomendasyon ng task force dahil kung meron din ganyang rekomendasyon ang task force ay rerspetuhin din ng Presidente ang rekomendasyon,” ani Sec. Roque.