-- Advertisements --
Posibleng sa Mayo 1, 2021 umano mababakunahan si Pangulong Rodrigo Duterte ng Sputnik V, ang bakunang ginagawa ng Russia laban sa COVID-19.
Ito ang inianunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque sa kanyang press briefing sa Malacañang.
Ginawa ni Sec. Roque ang pahayag matapos ang pakikipagpulong ng mga Philippine health at vaccine experts s amga kinatawan ng Gamaleya, ang manufacturer ng Sputnik V kung saan sinabing magiging available na sa Pilipinas ang bakuna sa Abril 2021.
Nanguna sa grupo mula sa Pilipinas si Dr. Jaime Montoya, executive director ng Philippine Council for Health Research.
Inihayag ni Sec. Roque na maliban sa Russian firm, inaabangan din nila ang iba pang manufacturers sa ibang bansa na maaari pa daw mauna sa Gamaleya.















