-- Advertisements --

Sinimulan na ng Duterte administration ang transition talks sa incoming Bong Bong Marcos Jr administration.

Ito ang kinumpirma ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III, kung saan isinagawa ang pag-uusap isang araw matapos ang May 9, 2022 election.

Naging maganda aniya at walang naging problema sa nasabing usapin.

Hindi naman nito binanggit kung sinu-sino ang bumubuo ng economic team ng dating senador.

Dagdag pa ng kalihim, hihintayin na lamang nila ang pormal na pag-upo ng bagong administrasyon para isialat ang magiging plano sa ekonomiya.