-- Advertisements --
Nanindigan ang Malacañang na walang suporta mula sa administrasyon ang isinusulong na revolutionary government.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw naman sa simula pa lamang ay constitutional government ang uri ng pamamalakad ni Pangulong Rordrigo Duterte.
Ayon kay Sec. Roque, haya hindi dapat mangamba ang publiko na ang ganitong mga inisyatibo ay naglalayon lamang na mapalawig ang termino ng kasalukuyang administrasyon.
Inihayag ni Sec. Roque na ang ganitong bagay ay malayo sa pag-iisip ni Pangulong Duterte at tinitiyak niyang bababa ito sa pwesto sa takdang panahon ng kanyang termino.
















