-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Muling nanawagan ang Makabayan Bloc sa pagbaba sa pwesto ni Health Secretary Francisco Duque III matapos ang nadiskobreng P67 bilyon na hindi nagamit at kwestiyobleng pinaggamitan ng pondo ng Department of Health.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, pinuna nito ang kapalpakan at kapabayaan ng opisyal sa paggamit ng pondo na malaki na sana ang maitutulong sa mga apektado ng coronavirus disease pandemic.

Nakakadismaya umano na humihingi ang ahensya ng bilyon-bilyong pondo sa Kongreso subalit hindi naman nagagamit ng tama.

Hamon ng kongresista na kung may delicadeza pa ang opisyal ay bumaba na lang ito sa pwesto ng mapalitan ng mas matibay na lider.