
MANILA – Kumpiyansa si Health Sec. Francisco Duque III na natugunan ng Department of Health (DOH) ang kinakailangang responde ng bansa laban sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).
Sagot ito ng kalihim nang tanungin kung mayroon bang naging pagkukulang ang kagawaran sa pagtugon sa pumutok na pandemic sa bansa.
“As far DOH is concerned, pinaghandaan natin ito as early as January 6. We tighten our border controls once we got the information of this deadly virus in Wuhan City, China,” ani Duque sa Kapihan sa Manila Bay media forum.
“We put in place the necessary measures.”
January 31 nang magptupad ng temporary travel restriction si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng biyaheng papasok ng Pilipinas mula Hubei province ng China.
Sa parehong araw din nag-deklara ng Public Health Emergency ang World Health Organization (WHO).
“Marami tayong mga ginawa at yung ating capacities inumpasahan natin ng maaga-aga, (though) nagkaroon tayo ng mga global supply chain limitations, very acute shortage ng mga supply, kaya hindi naman natin kayang madaliin yung hindi naman kayang i-manufacture ng mga kompanya.”
Bago magpatupad ng enhanced community quarantine ang administrasyon noong Marso, naging hamon ng DOH ang limitadong supply ng personal protective equipment (PPE) at kaunting testing facility.
“Ang laboratories natin from one (noong start ng pandemic) to 191, wala pang isang taon yan napalawig natin. Ang ating testing coverage is almost 5% of the population. Our total tests done is about 6.2-million specimen (abot 6-million person swabbed).”
“Ang positivity rate natin on a 7-day moving average of about 4.7%, less than 5% which the WHO benchmark is what we have been using.”
Ayon sa kalihim, malaking bahagi rin ng COVID-19 response ang tugon ng publiko. Kaya patuloy ang panawagan ni Duque na sundin ang minimum health protocols.
Nagpaalala rin si Duque sa local government units na ipagpatuloy ang pagpapalakas ng kanilang COVID-19 response tulad ng testing, agresibong contact tracing, isolation at quarantine ng mga kaso ng sakit.
“We’re not saying we’re fantastic, but we’re doing okay, maybe slow, but this is sure. The plan is good.”
“Patuloy itong hamon na ito, at kailangang palawigin ang ating mga naumpisahan; paunlarin ang mga kapasidad at kakayahan.”