Inirekomenda ng House committee on public accounts na kasuhan sina Health Sec. Francisco Duque III at dating PhilHealth president Ricardo Morales.
Ayon sa chairman ng komite na si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, may kaugnayan ito sa sinasabing mga anomaliya sa loob ng PhilHealth.
Sinabi ni Defensor na isa sa mga ikakaso nila ay ang tungkol sa pagbaligtas sa ruling ng Court of Appeals sa kaso ng Cebu-based Perpetual Succor Hospital.
Sa pagdinig ng komite, natukoy na guilty ang naturang ospital sa pagpapalawig sa confinement ng isang pasyente, na paglabag sa PhilHealth Law.
Binaligtad ng PhilHealth ang CA decision sa pamamagitan nang hindi pagpataw ng tatlong buwan na suspension at P10,000 mula sa ospital.
Sa halip, siningil na lamang ito ng health insurer ng P100,000 na multa.
Ayon kay Defensor, walang kinalamaan masyado sa issue ng korapsyon sa PhilHealth ang nangyari sa Perpetual Succor Hospital kundi dahil sa pagbaligtas ng state health insurer doon sa desisyon ng judiciary.
Pangalawang dahilan kung bakit nila kakasuhan sina Duque, Morales at iba pang mga opisyal ng PhilHealth ay dahil sa pagpayag sa pagbibigay ng cash advances sa mga healthcare institutions.
Dawit dito si Morales dahil kasama ito sa executive committee na gumawa sa recommendation sa pag-release ng advance payments, ayon kay Defensor.
Nauna nang itinanggi nina Duque at Morales na sila ay sangkot sa anumang iregularidad sa PhilHealth.