-- Advertisements --

Umaasa si Trade Secretary Ramon Lopez na maging generally available na ang COVID-19 antigen testing ngayong magdadalawang taon na ang COVID-19 pandemic.

Sa pagdinig ng House Committee on Trade and Industry, iginiit ni Lopez na magbibigay ng karagdagang proteksyon sa isang indibidwal ang pagkakaroon ng access sa naturang test.

Bukod dito, mababawasan din aniya ang tsanang mahawa ang isang tao sa COVID-19 dahil sa magkakaroon na ito ng access sa pamamaraan para masuri ang kanyang sarili laban sa virus.

Kaya naman umaasa ang kalihom na katulad ng sa mga ibang bansa ay maging available din sa mga drugstores ang antigen testing.

Samantala, bagama’t bumababa na nga ang mga naitatalang bilang ng COVID-19 cases sa kada araw sa mga nakalipas na linggo, sinabi ni Lopez na kung maari ay huwag na munang alisin ng tuluyan ang work-from-home arrangement sa mga manggagawa.

Hangga’t maari ay maitaas aniya ang bilang ng mga manggagawang pinapayagang makapasok ng pisikal sa kanilang trabaho subalit mainam pa rin aniyang panatilihin pa rin ang hybrid setup.