-- Advertisements --
image 439

Magbibigay ang Department of Trade and Industry (DTI) ng P4 milyon halaga ng shared service facilities (SSFs) para sa iodized salt production sa Antique.

Ayon sa DTI, nagpapatuloy sa kasalukuyan ang pagkuha ng mga kagamitan para sa nasabing shared service facilities para sa apat na LGU.

Ito ay ang bayan ng Belison, Patnongon, Bugasong, at Laua-an bilang mga co-operator upang magbigay ng kinakailangang processing center o shed house, capitalization, at labor.

Kasama sa mga bahagi ng shared service facilities ang isang salinometer, isang aparato na sumusukat sa salinity ng isang solution, pugon; evaporation vat; cooling trough; settling tank at iba pang mga kagamitan.

Kaugnay nito ay sinabi ni DTI Senior Trade and Industry Development Specialist Gevi Kristina Sandoy na nagsumite ang apat na LGU ng kanilang project proposals sa paggawa ng asin kaya sila ang napili para sa nasabing proyekto.

Una na rito, nangakong magbibigay ang departamento ng buong suporta sa mga LGUs para sa kanilang shared service facilities.