-- Advertisements --

Umaasa si Trade Sec. Ramon Lopez na tatagal lang ng dalawang linggo ang pagsasailalim sa modified enhanced community quarantine sa buong Mentro Manila upang sa gayon ay hindi na lalong magdusa ang mga maliliit na negosyo.

Sa ngayon kasi, sa 1.5 million registered micro, small and medium enterprises (MSMEs), mahigit kalahati o 52 dito ay partially nag-operate na habang 22 percent naman ang fully operating sa gitna ng COVID-19 health crisis.

Hindi pa aniya matukoy sa kasalukuyan kung yung nasa 26 percent na nalalabi ay tuluyan na o pansamantala lang nagsara.

Mababatid na matapos ibalik ang Metro Manila sa ilalim ng MECQ ay ilang mga negosyo, tulad na lamang ng mga fitness gyms at studios, personal care services gaya ng barbershops at salon, ang muling nagsara.