-- Advertisements --
4Ps

Kasalukuyang isinasagawa ng DSWD ang malawakang assessment ng mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries na napabilang sa Listahanan bilang non-poor.

Ito ay bilang pagtugon sa direktiba ni Secretary REX Gatchalian na i-reassess ang mga nasa listahan ng nasabing programa.

Ang validation ay isinasagawa gamit ang Social Welfare and Development Indicators (SWDI) tool upang masuri ang antas ng kondisyon ng pamumuhay ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program households.

Dagdag dito, ang mga benepisyaryo na masusuri bilang “self-sufficient” ay isasailalim sa case management at opisyal na lalabas sa programa.

Makakatanggap ang mga apektadong benepisyaryo ng kanilang cash grants batay sa resulta ng Social Welfare and Development Indicators assessment at sa kanilang pagtalima sa mga itinakdang kondisyon ng programa.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang programa at proyekto ng DSWD upang tugunan ang mga alalahanin ng mga mamamayan na nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno.