-- Advertisements --
dswd 3

Muling siniguro ng Department of Social Walfare and Development o DSWD na handa sa anumang kalamidad ang kanilang tanggapan para maghatid ng tulong sa maaapektuhang mga lugar sa bansa.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development Officer In Charge Edu Punay, lahat ng kanilang regional offices sa buong bansa ay nakahanda upang maghatid ng tulong sa ating mga kababayan sa oras ng anumang kalamidad.

Dagdag pa ni Punay na na kahit gaano kalayo ang mga lugar na nangangailangan ng tulong ay kanilang ginagawan ng paraan upang maihatid ang tulong ng gobyerno sa tao.

Sa ngayon, marami pa ring apektadong mga kababayan dahil na rin sa pag-ulan na nagdudulot ng pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa.