Malabong uusad ang planong paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay House Deputy Speaker Ronaldo Puno na walang basehan o grounds para ma impeach ang Pangulo lalo at maayos naman ang kaniyang pamumuno.
Tugon ito ni Puno sa ulat na planong maghain ng impeachment complaint si Cavite Rep. Kiko Barzaga laban sa Punong Ehekutibo.
Duda rin si Puno kung may susuporta sa hakbang ni Barzaga.
Gayunpaman, binigyang-diin ni Puni na malaya si Barzaga na maghain ng impeachment complaint.
“ Nobody’s preventing him from doing that. But I don’t think he’s going to get very much support,” pahayag ni DS Puno.
Binigyang-diin ni Puno na sa kaniya wala siyang nakikitang legitimate complaint para sampahan ng impeachment ang Pangulo.
Giit ni Puno tinutugunan ng Pangulo ang mga mahahalagang isyu sa bansa ng mag pokus at determinasyon.