-- Advertisements --

Patay ang isang drug suspek matapos na ito ay manlaban sa mga kapulisan sa Novaliches, Quezon City.

Kinilala ang suspek na nanlaban umano na si Criscamar Simos alyas Balong.

Sinabi ni Police Lt. Col. Rossel Cejas ng Novaliches Police Station, nasa number 2 drug personality ang suspek.

Nakatunog umano ang suspek na pulis ang kaniyang katransaksyon kaya ito ay nanlbaan subalit inunahan agad ito ng mga kapulisan.

Narekober sa suspek ang walong plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.