-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Nakakulong na ang isang security guard na drug surrenderee matapos maaresto sa isinagawang drug buy bust operation sa Echague, Isabela.
Ang inaresto at nakakulong na ngayon ay si Bienvinido Austria, 38 anyos, may-asawa, residente ng barngay Gud, San Isidro, Isabela.
Nadakip ng mga kasapi ng Echague Police Station at PDEA region 2 ang suspek matapos matiktikan ng mga alagad ng batas na nasa bayan ng Echague
Nasamsam sa pag-iingat ng suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu.
Si Austria ay security guard sa Maynila at pauwi uwi sa Isabela upang umanoy magbenta ng illegal na droga.
Ang pinaghihinalaan ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002)