Nagsagawa ng inspeksyon si Health Sec. Francisco Duque III sa Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.
Ang drug rehab center na mayroong 10,000-bed capacity ay ikinokonsidera ng gobyerno bilang quarantine area para sa mga Pilipinong uuwi mula sa Wuhan City, Hubei province sa China kung saan nagsimula ang 2019 Novel Coronavirus.
Sa likurang bahagi ng drug rehab facility balak ng gobyerno na pansamantalang patutuluyin ang nasa 42 Pilipino sa loob ng 14 araw na quarantine.
Kaugnay nito, pinawi naman ng Malacañang ang pangamba ng mga residenteng nasa paligid ng drug rehab facility.
Inihayag ni Cabinet Sec. Kaelo Nograles na walang dapat ikatakot ang mga residente dahil ipatutupad ng gobyerno rito pinakamataas na quarantine measures.