CENTRAL MINDANAO-Nalambat ng mga otoridad ang isang drug dealer sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang suspek na si Demy Mange Salvo,58 anyos,may asawa at residente ng Banisilan Cotabato.
Ayon kay Pigcawayan Chief of Police Madjor Carl Jayson Baynosa na nagsagawa ng drug buybust operation ang mga tauhan ng Pigcawayan Municipal Drug Enforcement Unit, PDEA- 12 at RPDEU- 12 sa national highway Barangay Poblacion 3 Pigcawayan Cotabato.
Sinabi ni Major Baynosa na nadakip ang suspek matapos mapagbentahan nito ng shabu ang isang police undercover agent.
Nakuha kay Salvo ang isang malaking pakete ng shabu na may timbang na 50 grams at abot sa P360,000.
Sa ngayon ay nakapiit na sa cosftudial facility ng Pigcawayan MPS ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Bombo Garry Fuerzas)