-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Natagpuang wala nang buhay habang nakaupo ang isang truck driver sa isang construction site sa Magsaysay Avenue Purok 3, Victory Norte, Santiago City.

Ang natagpuang patay ay si Virgilio Lumain Jr., 52 anyos, truck driver at residente ng Luna, Santiago City.

Lumabas sa pagsisiyasat ni Police Staff Sgt. Jayson Pascua ng Presinto Dos na isang Rogel Maluyo, trailer truck driver at tubong Nueva Vizcaya ang nakakita sa wala nang Buhay na si Lumain.

Batay anya sa salaysay ni Maluyo nakita niyang nakayuko at nakaupo sa loob ng ginagawang building si Lumain.

Patuloy na nagsasagawa ng pagsisiyasat ang mga kasapi ng Presinto Dos at natuklasang kamakailan ay galing sa pagamutan si Lumain.

Gabi bago matagpuan ang kanyang bangkay ay nakipag-inuman pa ang biktima.

Lumabas sa pagsusuri ng Scene Of the Crime Operatives Santiago City na wala umanong palatandaan na pinahirapan ang biktima bago bawian ng buhay.