-- Advertisements --

Magiging magkatuwang ang Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagpapaganda sa kahabaan ng EDSA.

Ito ay alinsunod na rin sa direktiba Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing mas ligtas ang mga imprastraktura sa kahabaan ng naturang kalsada.

Layunin ng direktiba na ito na ang EDSA ay maging mas commuter-friendly at pedestrian-friendly para sa lahat ng gumagamit nito.

Upang masiguro ang mabilis na pagtugon sa direktiba ng Pangulo, pinangunahan nina Transportation Secretary Giovanni Lopez at Public Works Secretary Vince Dizon ang isang joint inspection sa mga pedestrian facility na matatagpuan sa EDSA.

Ang inspeksyon ay nagmula sa Ayala, Makati, at nagtuloy hanggang sa Roxas Boulevard, Pasay City.

Kasama rin sa inspeksyon ang iba’t ibang transport at civil society groups upang magkaroon ng mas malawak na pananaw sa mga pangangailangan ng mga commuter at pedestrian.

Sa nasabing joint inspection, napagkasunduan ang agarang pagpapatupad ng ilang short-term na hakbang na makakatulong upang mapabuti ang kalagayan ng EDSA.