Nagpaabot ng kanilang pakikiramay ang Department of Transportation (DOTr) sa pamilyang iniwan ni MMDA chairman Danilo “Danny” Lim, na pumanaw nitong umaga lamang.
Kinilala ng DOTr ang pagiging “competent, selfless and dedicated” ni Lim sa kanyang civilian career at bilang isang sundalo.
“May we all remember his remarkable passion for fulfilling this administration’s mission for the Filipino people, and be inspired by his integrity, discipline, compassion and upstanding trait as a leader and a public servant,” saad ng DOTr sa isang statement.
Kasabay nito ay nagpasalamat ang kagawaran kay Lim dahil sa naging serbisyo nito sa taumbayan, partikular na sa transportation sector.
Si Lim ay miyembro ng Philippine Military Class of 1978 at naitalagang pamunuan ang MMDA noong 2017.
Nagpositibo si Lim sa COVID-19 noong December 29, 2020 kung saan mild symptoms ang naranasan nito.
Sa ngayon hindi pa matukoy kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng MMDA chairman.










