-- Advertisements --

Dumepensa ang Department of Transportation (DOTr) mula sa pahayag ni Sen. Nancy Binay kamakailan na hindi kumbinsido sa plano ng kagawaran na “EDSA Busway.”

Hindi umano maitago ng DOTr ang kanilang pagdismaya sa tila kawalan ng suporta mula sa isang opisyal ng pamahalaan, tulad ni Sen. Binay, lalo na’t binalangkas ang nasabing plano para sa nakararaming commuter sa Metro Manila.

“While the good senator may have the best intention in calling us out in the media on the subject, we are honestly disappointed and frustrated that this initiative to serve the riding public with a better mass transport system is being derided by no less than our fellow goverment officer, without even giving us the opportunity to explain nor present the plan.”

Nilinaw ng Transportation department na EDSA Busway plan ay magsisilbing panimula para sa mas malaking proyekto na “Bus Rapid Transit system.”

“The Bus Median Lane usage that has been proven to be one of the more effective mass transport systems in the world.”

Natitiyak daw ng DOTr na ligtas at angkop ang mga lokasyon na kanilang pinili para bus stop. Hindi rin daw magiging mahirap ang access nito sa mga matatanda at may kapansanan.

Marami na umanong nakausap ang ahensya na mga road transport experts at stakeholders; maging mga commuter groups para sa plano.

“These groups have this shared belief with the DOTr in so far as coming out with a plan centered highly on eradicating “decades of car-centered policies” that have clogged roads and “oppressed” majority of the public who commute to work, of which central or focal to this are road transport systems like the BRT and Bus median lane usage.”

Ayon sa DOTr, imbis na batikusin, sana ay suportahan daw ng mambabatas ang pagsisikap ng ahensya na makatulong sa publiko.

Kamakailan nang sabihin ni Sen. Binay na tila virtual experiment ang plano ng DOTr. Sinabi rin nitong huwag na lang ituloy ng ahensya ang inisyatibo kung hilaw o minadali lang ito.

“Para kasing virtual experiment ang ginagawa sa mananakay. Huwag po natin ipilit ang mga hilaw at minadaling plano sa EDSA which placed public safety as a secondary concern. Di po EDSA ang classroom sa online learning,” ani Binay.