Simula na sa Hulyo ang maaaring paggamit ng debit card, credit card, at e-wallet ng mga pasahero para magbayad ng pamasahe sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) simula Hulyo, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Ayon sa ahensya, sa halip na bumili at mag-load ng Beep card o stored-value smart card na ginagamit sa LRT at MRT, maaari na lang i-tap ng mga pasahero ang kanilang telepono o card sa turnstile pagpasok sa platform ng tren.
Sinabi rin ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na magsisimula na ang departamento sa paglalagay ng mga cashless turnstile para sa automatic fare collection (AFC) system sa susunod na buwan. Dagdag pa niya, na ayon sa pangulo kailangan na bumuo ng isang open-loop payment system na konektado sa iba’t ibang financial platforms.