-- Advertisements --
Hiniling ng Department of Tourism (DOT) sa mga Pilipino na iboto ang walled city ng Intramuros bilang World’s Leading Tourist Attraction sa 2023 World Travel Awards (WTA).
Huling hawak ng Intramuros ang titulo noong 2020 at naglaban-laban para mabawi ang pagkilala ngayong taon.
Ayon sa DOT, dapat na magsama-sama ang mga Pinoy na ibigay ang suporta sa muling pakikipagkumpitensya ng Intramuros para sa World Travel Awards bilang nangungunang tourist attraction sa mundo.
Bukod sa titulong World’s Leading Tourist Attraction, ang bansa ay nominado rin sa mga sumusunod na kategorya, ito ay ang World’s Leading Beach Destination, World’s Leading Dive Destination, World’s Leading Island Destination at World’s Leading Tourist Board.