-- Advertisements --
Wagi si Donald Trump sa naganap na Republican presidential nominating caucuses sa Nevada at US Virgin Islands. Dahil dito, inaasahan na si Trump ang magiging standard bearer ng Republican.
Kapag nangyari ito, posibleng magkaharap muli sila sa pagka-presidente ni US President Joe Biden sa eleksyon sa Nobyembre.
Nanalo si Trump sa US Virgin Islands ng 182 votes o 74% ng 264 votes habang ang katunggali niyang si Nikki Haley ay nakakuha lamang ng 64 votes.
Nauna ng nagwagi si Trump sa Iowa at New Hampshire noong nakaraang buwan.
Gayunpaman, hindi pa rin umaatras sa laban si Haley at umaasang mananalo sa gaganaping primary election sa home state nito sa South Carolina sa February 24.