-- Advertisements --

Ipinangako ng Pinoy boxer na si Nonito Donaire Jr. sa kaniyang mga fans na patutumbahin niya sa darating na Hulyo 29, 2023 ang katunggaling si Alexandro Santiago para sa WBC bantamweight title.

Maliban dito, sinabi pa ni Donaire na hangad din niyang basagin ang sariling record bilang oldest bantamweight champion sa edad na 40.

Gaganapin ang laban sa Las Vegas, Nevada.

Ang sagupaang Donaire at Santiago ay undercard sa world title unification bout nina Errol Spence jr. at Terence Crawford.