-- Advertisements --
Kinumpirma ng local airline companies na tumaas na ng 30-40% ang bookings para sa mga susunod na linggo at buwan.
Partikular umanong tumaas ang bookings para Marso hanggang Mayo ng taong ito.
Ayon sa Philippine Airlines, sinusubukan nilang mabigyan ng sapat na bilang ng flights ang mga pasahero.
Habang ang Cebu Pacific naman ay may mga reserbang eroplano na para sa pagbuhos pa ng mas maraming byahero.
Ang AirAsia naman, inaasikaso na ang bookings patungong Boracay kung saan 24% ang itinaas nito.
Habang 30% ang itinaas sa booking sa Cebu, Tagbilaran, Kalibo at Tacloban.