-- Advertisements --

Tiniyak ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, na kanilang ligtas na pauuwiin ang mga Filipino crew members mula sa cruise ship na nakadaong sa Japan.

Sinabi nito na nasa 500 Filipino crew members ng Diamond Princess cruise ship ang pinayagan ng makauwi.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng anunsiyo ni Japanese health minister Katsunobu Kato na mayroon ng 355 sa kabuuang 3,400 na pasahero at crew ng barko ang nagpositibo sa coronavirus.

Nakipag-ugnayan na ang kalihim sa agency ng mga Filipino crew members ganon din kay Health Secretary Francisco Duque para sa posibleng quarantine facility nila kapag sila ay nakabalik na.