-- Advertisements --
Magsasagawa ng inspeksyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa dalawang kompaniya na inireklamo dahil sa hindi pagsunod sa safety protocols ng tumama ang magnitude 6.1 na lindol.
Ayon kay Assistant Labor Secretary Benjo Benavidez, na may mga inspectors na sila na ipapakalat para sa iberepika ang nasabing ulat.
Hindi na muna nito binanggit ang nasabing kompaniya subalit marami itong natanggap na reklamo.
Nauna rito, kinalampag ng ilang grupo ang ilang mga kompaniya na pinabalik agad ang kanilang empleyado matapos ang lindol.
Sa reklamo ng grupo, giit ng mga ito na dapat tiniyak muna ng kompaniya na ligtas at walang sira ang gusali bago tuluyang pabalikin ang kanilang mga empleyado.










