
Iginiit ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na dapat masusing pag-aralan ang panukala ng Department of Health (DOH) na pag-hire at pagbibigay ng temporaryong lisensya para sa mga nursing graduates na bumagsak sa board exam.
Ito ay matapos ngang imungkahi ni Health Secretary Ted Herbosa na payagang makapagtrabaho sa mga ospital ng gobyerno ang mga nursing graduates na nakakuha ng markang 70% hanggang 74% sa board exam hangga’t sa makapasa ang mga ito sa partikular na period upang matugunan ang kakulangan ng nurses sa ating bansa.
Sinabi ni Laguesma na maganda ang konsepto ng panukala subalit kailangan munang masusing pag-aralan ang mga alituntunin at guidelines
Una ng sinabi ni Herbosa na pabor ang Labor chief sa panukala nito at nangakong makikipag-ugnayan sa Professional Regulation Commission (PRC) para mabigyan ng temporary license ang mga kwalipikadong nursing graduates.










