Ibinahagi ni Department of Justice Secretary Fredderick Vida na nagtalaga ang kagawaran ng ‘legal unit’ o grupong tututok sa usapin West Philippine Sea.
Plano aniya sa binuong grupo na magkaroon ng ‘source of legal expertise’ o pawang ‘Maritime Law Center’ na magsisilbing ‘legal repository’ ng DOJ nakapokus patungkol sa teritoryong pinag-aagawan.
Dagdag pa niya’y layunin ng kagawaran na mapangalagaan lalo na ang pagkapanalo ng Pilipinas sa Arbitral Tribunal noong 2016 kung saan kinilala ang karapatan ng bansa pagdating sa teritoryong West PH Sea.
Bagama’t nanalo ang Pilipinas, ayon kay SOJ Vida kinakailangan pa rin ipaglaban ang karapatan ng bansa sapagkat hindi aniya ito ‘self executing’.
Kung kaya’t ibinahagi niya na kaisa ang Department of Justice sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng Arbitral Award sa Pilipinas at binigyang diin ang kahalagahan sa pagkilala ng ‘rule of law.
Nitong nakaraan linggo, July 12, 2026 ay ipinagdiwang sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang naturang ‘Arbitral Award’ iginawad sa bansa, sampung taon ang nakalilipas.
Ang ilang mga opisyal at maging mga grupo ay nanindigan na ang West Philippine Sea ay pagmamay-ari at sakop sa masasabing teritoryo ng Pilipinas.
















